^

Probinsiya

Jailbreak: 6 bilanggo nakapuga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Jailbreak: 6 bilanggo nakapuga
Ito ang kinumpirma ni Malabang Mayor Tomas Macapodi na siyang chairperson ng Multi-sector Municipal Peace and Order Council (MPOC), kasabay ng panawagan sa mga opisyal ng barangay na tulungan sila sa paghahanap sa mga tumakas na preso.
Edd Gumban

MAGUINDANAO, Philippines — Anim na mga preso ang pumuga mula sa detention facility ng Malabang Municipal Police Station sa kasagsagan ng isang jailbreak sa Malabang, Lanao del Sur kahapon ng madaling araw.

Ito ang kinumpirma ni Malabang Mayor Tomas Macapodi na siyang chairperson ng Multi-sector Municipal Peace and Order Council (MPOC), kasabay ng panawagan sa mga opisyal ng barangay na tulungan sila sa paghahanap sa mga tumakas na preso.

Ang mga pumuga ay nahaharap sa iba’t ibang kriminal na kaso at dating nahuli sa pinaigting na operasyon ng pulisya.

Nagpakalat na ng mga larawan ng mga tumakas na bilanggo ang pulisya at hinikayat ang mamamayan na ireport ang mga namataang suspek.

Ayon kay Brig. Gen. Jonas Lumawag, commander ng 1st Marine Brigade na nakipagtulungan na rin sila sa pulisya para makatulong sa pagdakip ng mga pumugang preso. (Rhoderick Beñez)

Sampung mangi­ngisda ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa magkahiwalay na “rescue operation” sa lalawigan ng Antique at Batangas.

Sa ulat ng PCG Sub-Station Semirara kahapon, nailigtas nila ang walong mangingisda sakay ng lumubog na MB (Motorbanca) Roxanne sa karagatan malapit sa Semirara Island sa Caluya, Antique nitong Martes ng umaga.

Ayon sa mga ma­ngingisda, inabutan sila ng sama ng panahon mula nang umalis sa Caminawit Pier sa San Jose, Occidental Mindoro at habang patungo sa Semirara Pinagpala Port sa Caluya, Antique,  pinaghahampas ng malalaking alon ang kanilang bangka hanggang sa tuluyan itong lumubog. Nakahingi naman agad ng saklolo sa PCG ang kapitan ng kanilang bangka kaya agad silang nasaklolohan.

Nauna rito, nitong Lunes ng hapon ay nasagip din ng mga tauhan ng PCG- Batangas Station ang dalawang mangi­ngisda sa karagatan malapit sa Cape Santiago Light Station sa Calatagan, Batangas makaraang tumaob ang kanilang bangka.

Sa kabila ng masamang panahon at mababang “visibility”, nagawang matunton ng Coast Guard sakay ng aluminum boat AB-179 ang mga ma­ngingisda at matagumpay silang naiahon sa tubig.

COAST GUARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user