_ngayon
^

Probinsiya

6 sasakyan inararo ng SUV ng lasing na driver

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

CASTILLEJOS, Zambales , Philippines — Anim na sasakyan ang kinarambola ng isang puting SUV na minamaneho umano ng isang lalaking nakainom ng alak sa National Highway ng Brgy. San Jose sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Castillejos Municipal Police, bandang alas-9 ng gabi patungo sa direksyon ng bayan ng San Marcelino ang isang puting Mazda SUV na minamaneho ni Melquicidic Baldos, 43-anyos nang mawalan ng kontrol sa manibela.

Unang bumangga umano ang SUV sa e-trike hanggang sa tuluyang sumalpok ito sa lima pang sasakyan na kinabibilangan ng Toyota Hilux, dalawang motorsiklo at isang Toyota Vios saka sumalpok sa isang concrete barrier.

Isa sa mga nasugatan ay nakilalang si Dina Tachero na agad na dinala sa San Marcelino District Hospital para sa karapatang lunas.

Nahaharap sa kasong “reckless imprudence resulting in multiple physical injury and damage to properties” si Baldos.

 

SUV
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with