_ngayon
^

Probinsiya

Pagpapalipad ng eroplano malapit sa Bulkang Taal, bawal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pagpapalipad ng eroplano malapit sa Bulkang Taal, bawal
Ayon sa Phivols, kabilang dito ang 13 low frequency volcanic earthquakes, 61 volcanic tremors na tu­magal ng isa hanggang 25 minuto, at low-level background tremor na naitala simula noong Hulyo 7, 2021.
AFP/Ed Jones

74 pang pagyanig naitala, alert level 3 nananatili

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal, inabisuhan na ang mga may katungkulan sa civil aviation ang mga piloto na iwasang magpalipad malapit sa bulkan dahil sa naglilipanang abo, umiitsang bato, at pyroclastic density currents tulad ng base surge na maaaring makaapekto sa aircraft na idudulot ng posibleng biglaang pagputok ng bulkan. 

Kahapon, nakapagtala ang Philippine Institute of Vulcanology and Seismology (Phivolcs) ng 74 pang volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivols, kabilang dito ang 13 low frequency volcanic earthquakes, 61 volcanic tremors na tu­magal ng isa hanggang 25 minuto, at low-level background tremor na naitala simula noong Hulyo 7, 2021. 

Nabatid na ibinuga ng Main Crater ang mataas na sukat ng volcanic sulfur dio­xide gas at steam-rich plumes na may taas na 1,000 metro bago napadpad patungong kanluran-hilagang kanluran at timog kanluran. 

Ang pagbuga ng sulfur dioxide (SO2) ay humigit-kumulang 6,488 tonelada kada araw noong Hulyo 10, 2021. 

Anang Phivolcs, ang sukat ng ground deformation ng bulkan gamit ang electronic tilt, continuous GPS at InSAR monitoring ay nakakapagtala ng marahan na pag-impis ng Taal Volcano Island simula noong Abril 2021, samantalang ang kalakhang Taal ay nakakaranas ng marahang paglawak simula noong 2020.

“Sa kalagayang ito, ang magma na nanu­nuot sa Main Crater ay maaaring magdulot ng malakas na pagsabog,” anang Philvolcs.

Pinaalalahanan din ng DOST-Phivolcs ang mamamayan na ang Taal Volcano Island (TVI) ay isang Permanent Danger Zone (PDZ) at pagpasok sa TVI at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel ay dapat na maigting na ipagbabawal dahil sa panga­nib ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami kung sakaling magkaroon ng malakas na pagputok. 

Anito, lahat ng mga aktibidad sa Taal Lake ay dapat ipagbabawal sa ngayon. 

Pinapayuhan din nito ang mga residente sa paligid ng Taal Lake na maging mapagmatyag at mag-iingat dahil sa posibleng ashfall at vog at maging laging handa sa posibleng evacuation kung sakaling ang aktibidad ng Taal ay lumala.

 Tiniyak din ng Phivolcs na sila ay masu­sing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Taal 24/7 at handang agarang ipabatid ang anumang pagbabago nito sa lahat ng kinauukulan.

BULKANG TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with