_ngayon
^

Probinsiya

Mag-asawa, 3-anyos na anak patay sa SUV

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

BATAAN, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang mag-asawa at 3-anyos nilang anak matapos na mabangga ang kanilang sinasak­yang motorsiklo ng paparating na SUV sa Barangay Calaylayan, bayan ng Abucay, dito kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang mga biktima na sina Denmark Magramo at asawang si Jesamay dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan habang naisugod pa sa pagamutan ang 3-anyos nilang anak subalit idineklarang dead-on-arrival.

Galing umano sa poultry farm ang nasabing pamilya na pinapasukan ng mag-asawa at nang pauwi at patawid na sa Roman Highway ay aksidenteng nahagip sila ng paparating na Land Cruiser.

Matapos ang aksidente, kaagad na dinala sa himpilan ng pulisya ang driver ng nasabing SUV na nahaharap sa kasong criminal. - Doris Franche

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with