_ngayon
^

Probinsiya

Batangas high-risk areas bawal muna sa turista

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Batangas high-risk areas bawal muna sa turista
Sa ipinalabas na Memorandum Circular No. 01 Series of 2021, ipinagbabawal ang “leisure travel” sa loob ng Barangay Banyaga at Brgy. Bilibinwang sa bayan ng Agoncillo at mga barangay ng Buso-buso, Gulod at Bugaan East sa bayan naman ng Laurel.
AFP/Ed Jones

BATANGAS, Philippines — Mahigpit na ipinagbaba­wal muna ni Batangas Governor Hermilando “Dodo” Mandanas ang pagbisita ng mga turista sa loob ng high-risk areas o sakop ng 7-kilometer radius mula sa Taal Volcano crater.

Sa ipinalabas na Memorandum Circular No. 01 Series of 2021, ipinagbabawal ang “leisure travel” sa loob ng Barangay Banyaga at Brgy. Bilibinwang sa bayan ng Agoncillo at mga barangay ng Buso-buso, Gulod at Bugaan East sa bayan naman ng Laurel.  

Kabilang sa mga ipinagbabawal ang staycations, pagtungo sa mga recreational area, resort, camping, sunbathing, pool swimming, picknicking, island hopping, water activities, party at iba pang kahalintulad na aktibidad. 

Ang mga may reservations o bookings sa mga hotel o resort na sakop ng high-risk areas­ ay kailangang kanselahin at inuutusan ang mga establisimiyento­ na mag-refund o paya­gang mag-rebook ang mga apektadong guests. 

Pawang ang mga exempted sa nasabing kautusan ay ang mga accredited ng Department of Tourism na pinapayagang tumanggap ng guest na may lehitimong dahilan na nasa ilalim ng state of public emergency. 

Ani Mandanas, ang pawang papayagan sa high risk areas ay ang mga essential tra­velers na nagtatrabaho bilang health at frontline service personnel, humanitarian o medical response operation. 

Ang mga non-essential travelers ay kinakailangang kumuha ng Safe, Swift, and Smart Passage (S-PaSS) Travel Management System mula sa Department Of Science and Technology (DOST) bilang travel protocol ng lahat ng local government units (LGUs).  

Samantala, ang lahat ng establisimiyento na labas ng high-risk areas ng Batangas na accredited ng Department of Tourism (DOT) at rehistrado sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office at sa mga LGUs ay pinapayagang mag-operate sa limitadong capacity hanggang sa ipag-utos ng DOST-Phivolcs at RDRRMC ang total evacuation kung masasakop sa loob ng 14-kilometer radius mula sa Taal Volcano crater.

BULKANG TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with