_ngayon
^

Probinsiya

4 timbog sa pot-session

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

LIMAY, Bataan , Philippines — Arestado ang apat katao sa aktong bumabatak ng droga sa isang paupahang bahay sa Barangay Town Site, sa bayang ito.

Sa ulat na ipinadala ni Limay Chief Police Major Madtaib Jalman kay Bataan Provincial Director Police Colonel Joel Tamis, kinilala ang mga nahuli na sina Allan Palapar, 22; Lolito Joso, 34; Manny Del Mundo, 37; at Joven Mango,44, pawang mga reisdente ng nabanggit na lugar.

Nabatid sa ulat na isang concerned citizen ang nagsumbong sa Limay-PNP na may nagaganap na pot session sa nabanggit na paupahang bahay.

Kaagad namang rumes­ponde ang mga otoridad at nahuli sa akto ang mga suspek at na­rekober ang aluminum foil, lighter at sachet na hinihinalang shabu.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek na may kinalaman sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with