^

Probinsiya

4 na nahuli sa P1.2 milyong marijuana peke ang RT-PCR test results

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Nakumpirma na peke ang mga Reverse Transcription–Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test results ng apat na katao kabilang ang isang menor-de-edad na unang dinakip ng mga awtoridad sa pagdadala ng P1.2 mil­yong halaga ng marijuana bricks sa Brgy. Alunan, Quezon ng lalawigang ito nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ni P/Maj. Ro­berto Valiente, hepe ng Quezon Police ang mga nadakip na suspek na sina Jayson Pallares, 23, residente ng Caloocan City; Alvin Guiyab, 20, residente ng San Mariano, Isabela; Jerwin Lipalam, 24, at ang menor-de-edad na itinago sa pangalang Marco, 17, kapwa residente naman ng Tondo, Manila.

Matapos sumailalim sa pagsisiyasat ang mga dokumento na dala ng apat na mga suspek, napag-alaman na peke ang kanilang mga travel documents kabilang na ipinakitang ang RT-PCR test results.

Matatandaan na nadakip ang apat na  mga suspek matapos nilang takasan ang police checkpoint sa Rizal, Kalinga sakay sa isang silver Toyota Vios (NDE 9548) noong Linggo ng hapon.

Maging ang police checkpoint na inilatag ng Quezon Police sa lalawigan ng Isabela ay binalewala rin ng mga suspek matapos silang parahin na nagresulta sa tila pelikula na habulan kasama ang mga awtoridad ng Kalinga na unang humahabol sa kanila. Matapos ang mahabang habulan ay tuluyang nakorner ng mga awtoridad ang apat na suspek sa bahagi ng Brgy. Alunan sa nasabing bayan.

Nakuha sa loob ng sasakyan ng mga suspek ang 10 marijuana bricks na nagkakahalaga sa P1.2 million at 1 caliber .38 revolver na walang serial number at may 5-bala.

vuukle comment

RT-PCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with