_ngayon
^

Probinsiya

20 dedo sa COVID-19 sa Olongapo

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Philippines — Dalawampung pasyente ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa loob lamang ng 13 araw simula June 14 hanggang ka­makalawa dahilan para umakyat sa 138 ang kabuuang bilang ng lahat ng mga nasawi sa lungsod na ito.

Pinakahuling nasawi si PHOC-243 na isang 77-anyos na lalaki.

Nasa 224 naman ang aktibong kaso sa buong lungsod matapos madagdagan ng 14 na panibagong nagpositibo.

Sa kabila nito, nasa 2,159 ang bilang ng mga gumaling na matapos maidagdag ang 21 panibagong nakarekober. 

Sa kasalukuyan, sumampa sa 2,521 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong Olongapo City.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with