^

Probinsiya

2 HVT todas sa Bulacan buy-bust

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
2 HVT todas sa Bulacan buy-bust
Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director ang dalawang napatay na sina Roderick San Pedro, 36-anyos, vendor at Hesus San Roque, 43-anyos at kapwa naninirahan sa Brgy. Lolomboy, Bocaue, Bulacan.
STAR/ File

BOCAUE, Bulacan, Philippines — Dalawang high value target (HVT) ang patay matapos na makipagbarilan umano sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad kamakalawa ng umaga sa Brgy. Bunlo ng nasabing bayan.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director ang dalawang napatay na sina Roderick San Pedro, 36-anyos, vendor at Hesus San Roque, 43-anyos at kapwa naninirahan sa Brgy. Lolomboy, Bocaue, Bulacan.

Ang mga suspek ay pawang nasa listahan ng mga drug personality ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at itinuturing na HVT ng PNP dahil sa talamak na pagbebenta ng droga.

Napatay ang dalawang suspek dakong alas 5:00 ng umaga sa nasabing Barangay matapos na matunugan ng mga ito na police agent ang ka-transaksyon nila sa bentahan ng droga at pinaputukan ang mga otoridad kung kaya gumanti ang mga pulis na ikinamatay ng dalawang suspek.

Nabawi sa mga suspek ang 15 plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng walong gramo, isang Cal. 38 revolver at buy-bust money. — Joy Cantos

vuukle comment

HVT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with