_ngayon
^

Probinsiya

Bataan hinati na sa 3 distrito, inaprub ni Duterte

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Bataan hinati na sa 3 distrito, inaprub ni Duterte
Layunin ng nasabing batas na hatiin sa tatlong distrito ang Bataan upang mas mapabilis ang kanilang pag-unlad at pagbibigay serbisyo sa mamamayan.
Boy Santos, file

House Bill 11553 ganap nang batas

MANILA, Philippines — Nahahati na sa tatlong distrito ang lalawigan ng Bataan matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang House Bill No. 8664 na isa nang Republic Act No. 11553 o An Act Providing for the Reapportionment of the Province of Bataan into three (3) legislative districts.

Layunin ng nasabing batas na hatiin sa tatlong distrito ang Bataan upang mas mapabilis ang kanilang pag-unlad at pagbibigay serbisyo sa mamamayan.

Sa tatlong distrito sakop ng 1st District ang Hermosa, Orani, Samal at Abucay; 2nd District ang Balanga City, Pilar, Onion at Limay habang ang 3rd District ay kinabibilangan ng mga bayan ng Dinalupihan, Morong, Bagac, Mariveles

Nabatid na magkakaroon ng karagdagang pondo sa mga proyekto tulad sa edukasyon, kalusugan, agrikultura, imprastraktura, at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng mga taga-Bataan.

Mas marami rin umanong papasok na oportunidad at mga trabaho sa lalawigan dahil sa nasabing paghahati ng distrito.

HOUSE BILL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with