^

Probinsiya

Dayo na ‘tulak’ utas sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Dayo na �tulak� utas sa buy-bust
Kinilala ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng pulisya rito, ang napatay na suspek na si June Arimbuyutan alyas “Oroy”, 42-anyos ng Brgy. MS Garcia, Cabanatuan City, na kabilang umano sa drugs watchlist bilang pusher/user.
PSN/File

TALAVERA, Nueva Ecija, Philippines — Nasawi ang isang dayong lalaki na tulak umano ng ilegal na droga makaraang kumasa sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. San Ricardo ng bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng pulisya rito, ang napatay na suspek na si June Arimbuyutan alyas “Oroy”, 42-anyos ng Brgy. MS Garcia, Cabanatuan City, na kabilang umano sa drugs watchlist bilang pusher/user.

Sa ulat, ala-1:30 ng madaling-araw, isinagawa ang buy-bust ng pinagsanib na puwersa ng Drug Enforcement Unit ng Talavera Police, Police Provincial DEU at Police Intelligence Unit ng Nueva Ecija sa nasabing barangay. Matapos mabilhan ang suspek ng police poseur buyer ng 2-plastic sachet ng umano’y shabu ay naghinala na pulis ang kanyang ka-deal hanggang sa bumunot ng baril at ipinutok sa buyer pero sumablay. Gumanti ng putok ang nakaposteng pulis kaya’t napatay ang suspek.

Nakuha sa lugar ang 2-plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 10-gramo at nagkakahalaga ng P68,000; isang caliber .38 revolver na walang serial number; at isang kulay pula na Honda motorized tricycle na gamit ng suspek sa ilegal na transaksyon.

vuukle comment

NASAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with