_ngayon
^
Kelot na dalaw sa kulungan tiklo sa pan de shabu
Kinilala ang naares­tong suspek na si Josef Oliver Valdijon, 37, traysikel drayber at residente sa nabanggit na lugar.
STAR/ File

Kelot na dalaw sa kulungan tiklo sa pan de shabu

Jojo Perez (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2021 - 12:00am

IBA, Zambales, Philippines — Arestado ang isang la­laki na dadalaw  sa kaibigang preso sa provincial jail matapos mabisto na ang dalang tinapay ay may palamang shabu na nakatago sa cup noodles naganap kama­kalawa.

Kinilala ang naares­tong suspek na si Josef Oliver Valdijon, 37, traysikel drayber at residente sa nabanggit na lugar.

Sa ulat, alas-4:00 ng hapon nang dumalaw ang suspek sa naturang piitan para hatiran ng pagkain ang kaibigang nakakulong.

Protocol sa piitan na inspeksiyunin ang mga dadalaw at ang dala nilang mga pagkain ka­ya’t nang bulatlatin ng jail guard ang dalang pagkain ay  tumambad ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu na nakapalaman sa ensaymada at nakatago ang iba sa cup noodles, na  tinatayang abot sa labing isang gramo (11 grams) at nagkakaha­laga ng P66,000.

Nagawang makatakas ng suspek, pero kalaunan ay  nasukol ito ng mga rumespondeng pulis.

Nabatid na ang suspek ay dati nang nakulong sa nasabing piitan sa kaso ng iligal na droga at nakalaya ito matapos ang apat na taon.

Kaya’t muling balik­ kulungan ang suspek­ na sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.3

ARESTADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with