_ngayon
^

Bomb expert timbog sa tangkang pagpapasabog

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napigilan ng mga otoridad ang planong muling­ pambobomba sa Mindanao ng Alkhobar terro­rist group sa probinsya ng North Cotabato dahil sa pagkakaaresto ng tinaguriang “planner”na bomb expert sa lungsod ng Kidapawan.

Ayon kay  Lt.Col. John Paul Baldomar, taga­pagsalita ng 6ID Phil. Army, malaking tulong ang pagkakaaresto sa extortionist na si Ali Akbar, na isang aktibong miyembro ng Dawlah Islamiya-Hassan Group.

Anya,kung hindi nahuli ng mga otoridad si Akbar, posible umanong may panibagong madu­gong insidente sa bahagi ng Mindanao dahil sa nakuha sa posisyon nito ang dalawang mga improvised explosive device (IED) at iba pang mga IED components.

Napatunayan din na ito ay kasapi ng Alkhobar terrorist organization na Daulah Islamiyah-Hassan Group dahil sa mga text messages sa iba pang miyembro na nakuha sa kanyang cellphone.

Itinuturing din na “armed and dangerous” si Akbar kahit na may diperensya ito sa paningin.

Kung maaalala, isa si Akbar sa itinuturong mastermind sa pangingikil sa mga bus companies sa Mindanao at responsable rin sa pagpapasabog ng IED.

Sa ngayon nagpapatuloy ang paghahanap sa pito pang mga kasamahan nito sa bisa rin ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte dahil sa mga karahasan na ginawa ng mga ito.

IED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with