^

Probinsiya

Nakapatay sa 16-anyos sa Laguna drug ops, tukoy na

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Nakapatay sa 16-anyos sa Laguna drug ops, tukoy na
Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, batay ito sa isinagawang ballistic examination ng 11 baril ng mga pulis na kasama sa operasyon na isinumite ni Police Brig. Gen. Eliseo Cruz, regional director ng PRO-CALABARZON.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Natukoy na ng Phi­lippine National Police (PNP) Fact Finding Investigation Task Group ang mga pulis na bumaril at nakapatay sa dalawang drug suspect na kabilang ang isang 16-anyos na binatilyo sa operasyon sa Biñan City, Laguna noong nakaraang linggo.

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, batay ito sa isinagawang ballistic examination ng 11 baril ng mga pulis na kasama sa operasyon na isinumite ni Police Brig. Gen. Eliseo Cruz, regional director ng PRO-CALABARZON.

Sinabi ni Eleazar na ang .45 cal. slug na narekober sa labi ng napatay na binatilyong si Jhondie Maglinte Helis ay na-trace na mula sa baril ng isang Police Senior Master Sergeant.

Habang ang narekober na bala sa pangalawang suspek na si An­tonio Dalit ay nanggaling naman sa baril ng isang Police Commissioned Officer.

Ani Eleazar, hindi pa rin malinaw sa ngayon kung nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at mga suspek o kung binaril ang mga suspek nang walang kalaban-laban tulad ng mga lumulutang na alegasyon.

Dahil dito, nanawagan si Eleazar sa mga testigo sa krimen na humarap at magbigay ng salaysay upang maka­tulong sa imbestigasyon.

Tahasang sinabi ni PNP Internal Affairs Service (IAS) director Atty. Alfegar Triambulo, na lehitimo ang operasyon ng mga pulis sa Biñan, Laguna noong Hunyo 16 kung saan kabilang sa napatay ang menor-de- edad na si Helis.

Gayunman ayon kay Triambulo, kahit legitimate ang operasyon ng mga pulis kailangan pa rin imbestigahan kung paano namatay ang mga suspek.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with