^

Probinsiya

33 patay sa COVID-19 sa Bataan

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
33 patay sa COVID-19 sa Bataan
Pinakahuling namatay sa nasabing sakit ang apat na pasyente na kinabibilangan ng isang 81-taong gulang­ na babae at isang 53-anyos na lalaki mula sa Mariveles, isa pang 85-anyos na babae mula sa Hermosa, at isang 65-taong gulang na lola mula sa Samal.
STAR/ File

Sa loob ng 12-araw

BALANGA, Bataan, Philippines — Sumipa na sa 33 na katao ang namatay dahil sa COVID-19 sa loob lamang ng 12 na araw dahilan para umakyat sa 336 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa virus sa lalawigang ito

Pinakahuling namatay sa nasabing sakit ang apat na pasyente na kinabibilangan ng isang 81-taong gulang­ na babae at isang 53-anyos na lalaki mula sa Mariveles, isa pang 85-anyos na babae mula sa Hermosa, at isang 65-taong gulang na lola mula sa Samal.

Umakyat naman sa 1,333 ang aktibong kaso sa buong lalawigan, mula sa pitong bayan at isang lungsod, matapos madagdagan ng 34 na panibagong nagpositibo sa huling ulat ng Provincial Health Office.

Sa kabila nito, nasa 8,637 katao naman ang bilang ng mga guma­ling matapos maidagdag ang 57 na panibagong naka­rekober sa virus.

Sa kasalukuyan, su­mampa na sa 10, 306 ang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa lalawigan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with