^

Probinsiya

Bagong silang na sanggol, nilapa ng baboy

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Bagong silang na sanggol, nilapa ng baboy
Ayon kay P/Capt. Robert Trinidad, hepe ng Senator Ninoy Aquino Police, inireport sa kanilang himpilan ang kalunus-lunos na sinapit ng sanggol matapos na matagpuan ng isang ginang na nagmamay-ari ng baboy sa sagingan sa Purok 3, Brgy. Banali sa nabanggit na bayan.
Image by Rainer Maiores from Pixabay

SULTAN KUDARAT, Philippines — Nilapa ng baboy ang bagong luwal na sanggol na itinapon ng walang pusong ina sa kulungan ng baboy sa Purok 3 ng Barangay Banali sa bayan ng Senator Ninoy Aquino sa lalawigang ito, iniulat kahapon.

Ayon kay P/Capt. Robert Trinidad, hepe ng Senator Ninoy Aquino Police, inireport sa kanilang himpilan ang kalunus-lunos na sinapit ng sanggol matapos na matagpuan ng isang ginang na nagmamay-ari ng baboy sa sagingan sa Purok 3, Brgy. Banali sa nabanggit na bayan.

Ayon kay Trinidad, si Ginang Lucy, ang unang nakakita matapos na puntahan nito ang kaniyang alaga na nakatali sa puno ng saging ngunit laking gulat nito nang makita ang putol at gutay-gutay nang katawan ng isang sanggol na babae.

Kaagad umanong ipinaalam ni Ginang Lucy sa mga barangay officials at pulisya ang kaniyang nakita dahilan para puntahan nila ang lugar at doon nga nakita ang patay na sanggol.

Ayon kay Trinidad, inisa-isa na rin ng pulisya ang mga babaeng nagpapa-prenatal sa center ngunit kumpleto naman umano ang mga ito.

Malaki naman ang paniniwala ng pulisya na taga-ibang lugar ang ina ng bata at itinapon lamang doon ang anak.

Inilibing na ang sanggol sa public cemetery sa nabanggit na lugar.

vuukle comment

LUCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with