^

Probinsiya

Top 5 ‘most wanted’ ng PNP natimbog sa Nueva Vizcaya

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Matapos ang mahigit sa 9 na taon na pagtatago, nadakip na ng mga awtoridad ang tinaguriang No. 5 most wanted person sa national level ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) matapos mamataan sa Barangay Roxas, Solano ng lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ni P/Capt. Jet Sayno, hepe ng Solano Police ang nahuling suspek na si Job Lapitan, 72, dating pulis at residente ng Purok 1, Barangay Bangar sa nabanggit na bayan.

Ayon kay Sayno, ang akusado ay nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Nueva Vizcaya HPG, Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) at mga operatiba ng Solano Police dakong alas-3:30 ng hapon.

Si Lapitan na nag-AWOL noong taong 2000 ang itinuturong tumangay sa isang Starex na pag-aari ng isang kilalang abogado at politiko sa nasabing bayan noong Hunyo 2012, kasama ang tatlong iba pang kalalakihan.

Bukod sa kasong carnapping, isinilbi rin kay Lapitan ang dalawa pang warrant of arrest sa kasong illegal possession of fire arms and explosives, at slight physical injury.

Napag-alaman na kasalukuyan noon na barangay chairman sa kanilang lugar si Lapitan nang siya ay makasuhan ng anti-carnapping act.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with