_ngayon
^

Probinsiya

Obrero pinasabog ang ulo ng tandem

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

GUINOBATAN, Albay, Philippines — Isang construction worker ang patay matapos barilin sa ulo ng isa sa hindi nakila­lang riding-in-tandem sa Sitio Managay, Purok-5B, Brgy. Mauraro ng bayang ito kahapon ng umaga.

Dead-on-the spot ang biktima na nakila­lang si Renato Palmiano Ogayon, 48-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, pasado alas-5 ng umaga habang na­kasakay ng kanyang motorsiklo ang biktima angkas ang kinakasama nito at patungo sana sila sa Ligao City nang pagda­ting sa lugar ay pinara ng nakaabang na mga suspek na pawang nakasuot ng jacket at helmet lulan ng hindi naplakahang motorsiklo.

Pagtigil ng biktima, walang kaabog-abog siyang binaril sa sentido ng isa sa suspek kung saan tumagos pa ang punglo sa kabilang panga nito.

Bumulagta sa kal­sada ang biktima habang hindi naman sinaktan ang kinakasama nito na halos natulala dahil sa takot.

Tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng sentro ng bayan habang narekober sa lugar ang isang basyo ng bala ng kalibre 45 baril.

Isa sa anggulong ti­nututukan sa imbestigasyon ay ang kinasasangkutang kaso na attempted homicide ng biktima.

BIKTIMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with