_ngayon
^
Utak sa 2 bus bombing sa North Cotabato, timbog
Hindi na nakapalag pa ang suspek na si Ali Akbar, miyembro ng Dawlah Islamiya na isa umanong notoryus na bomber at arsonist matapos maaresto ng tropa ng militar at pulisya sa Kidapawan City, kahapon ng umaga.
6ID-DPAO

Utak sa 2 bus bombing sa North Cotabato, timbog

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadakip sa joint ope­ration ng militar at pulisya ang sinasabing utak sa pagpapasabog at pagsunog sa dalawang bus ng YBL Bus Company sa Tulunan at M’Lang, North Cotabato na ikinasawi ng apat katao ngayong taon.

 Sa report, dakong alas-5 ng umaga kahapon nang masakote si Ali Akbar sa Purok 3, Barangay East Patadon, Kidapawan City sa bisa ng warrant of arrest matapos ang koordinasyon ng mga tauhan ng 602nd Infantry Brigade at 90th Infantry Battalion sa 72nd Infantry Battalion, Kidapawan City Police Station, at 1st Cotabato Provincial Mobile Force Company.

 Ayon kay Brig. Gen. Roberto Capulong, commander ng 602nd Infantry Brigade, si Akbar na kasapi ng Dawlah Islamiya-Hassan Group ay mahusay sa paggawa ng improvised explosive device (IED) at isang extortionist.

 “Akbar was nabbed based on the warrant of arrest issued by Branch 23, Regional Trial Court, 12th Judicial Region for double murder and multiple frustrated murder,” ayon kay Capulong.

Nakuha kay Akbar ang dalawang IEDs, isang blasting cap, ­ilang IED components, at ISIS flag.

 Matatandaan na ti­naniman ng bomba  at sumabog ang isang bus ng Yellow Bus Line noong Enero 27, 2021 sa Tulunan, North Cotabato, na ikinasawi ng isang fruit vendor at ikinasugat ng tatlong iba pa habang Hunyo 3 naman nang  muling sunugin ang isa pang bus sa M’Lang na ikinasawi ng tatlong pasahero.

 Sinabi ni Maj. Gen. Juvymax Uy, comman­der ng JTF Central at 6th Infantry Division na pa­tuloy ang kanilang ginagawang operasyon upang madakip ang mga tauhan ni Akbar.

 Kamakailan din ay nagdeklara ng persona-non-grata ang ilang lalawigan laban sa BIFF at DI terrorist groups. - Rhoderick Beñez

BOMBING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with