_ngayon
^
3 BIFF terrorist utas, 4 sugatan sa engkuwentro
Sinabi ni 6th Infantry (Kampilan) Division chief at Joint Task Force Central commander Major General Juvymax Uy na ang mga nasawi at nasugatan ay mga tauhan ni Kumander Muslimin Amilil ng BIFF-Karialan faction.
AFP

3 BIFF terrorist utas, 4 sugatan sa engkuwentro

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) habang apat  pa ang sugatan nang makaengkuwentro ng militar sa Maguindanao, ayon sa report kahapon.

Sinabi ni 6th Infantry (Kampilan) Division chief at Joint Task Force Central commander Major General Juvymax Uy na ang mga nasawi at nasugatan ay mga tauhan ni Kumander Muslimin Amilil ng BIFF-Karialan faction.

 Nakatanggap ng impormasyon ang militar mula sa mga sibilyan hinggil sa presensya ng teroristang grupo sa Brgy. Linantangan Shariff Saydona, Mustapha ng naturang lalawigan. Nang magresponde, agad silang pinaputukan ng mga bandido sanhi ng bakbakan na tumagal ng mahigit kalahating oras.

Umatras ang mga rebelde papasok ng Liguasan Delta nang pasabugan sila ng mga sundalo gamit ang 90rr bazooka. Tatlo sa mga bandido ang napatay at apat pa nilang kasamahan ang nasugatan habang walang nasaktan sa panig ng mga sundalo.

Narekober sa mga napatay na terorista ang tatlong kalibre. 45 na pistola, pampasabog, mga sling bag na naglalaman ng shabu, mga bala, magazine, cellphone, pera at mga personal na kagamitan.

Patuloy na tinutugis ng Joint Task Force Central ang grupo ni Kumander Amilil sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha Maguindanao. - Rhoderick Beñez

BIFF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with