_ngayon
^
Trak galing piknik bumaliktad: 1 dedo, 16 sugatan
Kinilala ng Cabagan Police ang biktima na idineklarang dead-on-the-spot na si Milagros Garro, habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga nasugatan na biktima na sina Myrene Paru­ngao, 29; Evlalia Gatan, 63; Raysie Gatan, 39; Mark Anthony Curi­bang, 18; Babylyn Gatan, 27; Chris Gaileg, 35; Erickson Allauigan, 18; Babylyn Malazzab, 42; at Jessica Gatan, 27; isang 17-anyos at anim na bata nagkaka-edad ng 4-10; pawang taga-Barangay Fermeldi, Tumauini.

Trak galing piknik bumaliktad: 1 dedo, 16 sugatan

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2021 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang babae ang kumpirmadong nasawi habang 16 na iba pa kabilang ang anim bata ang isinugod sa pagamutan matapos bumaliktad ang kanilang sinasakyang Elf truck na galing sa picnic sa Barangay Cansan, Cabagan ng lalawigang ito kamakalawa ng hapon. 

Kinilala ng Cabagan Police ang biktima na idineklarang dead-on-the-spot na si Milagros Garro, habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga nasugatan na biktima na sina Myrene Paru­ngao, 29; Evlalia Gatan, 63; Raysie Gatan, 39; Mark Anthony Curi­bang, 18; Babylyn Gatan, 27; Chris Gaileg, 35; Erickson Allauigan, 18; Babylyn Malazzab, 42; at Jessica Gatan, 27; isang 17-anyos at anim na bata nagkaka-edad ng 4-10;  pawang taga-Barangay Fermeldi, Tumauini.

Sa ulat ni P/Maj. Rodante Albano, hepe ng pulisya, pauwi na sana ang mga biktima matapos mag-picnic sa Pinacanauan River, sakay sa kulay pula na Elf Truck Dropside (AWA7730), na minamaneho ni Domingo Angolluan, 41, residente rin ng Barangay Fermeldi, Tumauini,  nang biglang sumalpok ang sasakyan sa isang poste ng kur­yente bago ito tuluyang bumaliktad dakong alas 3:20 ng hapon.

Mabilis naman na isinugod sa Milagros Albano District Hospital ang mga sugatang biktima bago inilipat sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao, City sa lalawigan ng Cagayan ang dalawa sa kanila dahil sa malalang sugat na natamo.

Nasa himpilan ng pulisya naman ang dri­ver ng elf na si Angolluan na napag-alaman na naka-inom umano ng alak na posibleng naging dahilan para ito ay maka-idlip na nag­resulta para bumaliktad ang kanyang minamanehong sasakyan.

AKSIDENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with