_ngayon
^
Ginang may ka-chat na Chinese, kinatay ng ka-live in
Dead-on-the-spot si Hazel Haynar, 41-anyos, habang nadakip ng mga pulis ang kinakasama nitong si Jun Villodo Manata, 51; kapwa nakatira sa Semense B, Barangay Tipolo, Su­bangdaku ng nasabing lungsod.

Ginang may ka-chat na Chinese, kinatay ng ka-live in

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa sobrang selos, pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang mister ang kanyang live-in partner nang malamang may ka-chat ang huli na Chinese noong Biyernes ng gabi sa Mandaue City.

Dead-on-the-spot si Hazel Haynar, 41-anyos, habang nadakip ng mga pulis ang kinakasama nitong si Jun Villodo Manata, 51; kapwa nakatira sa Semense B, Barangay Tipolo, Su­bangdaku ng nasabing lungsod.

Sa report ng Su­bangdaku Police, ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa loob ng kuwarto ng mag-live in partner sa nasabing lugar.

Lumabas na araw-araw na lamang umanong nagtatalo sina Haynar at Manata dahil sa matinding selos ng huli sa hinalang may ibang lalaking kinalolokohan ang kinakasama bukod pa sa mga ka-chat nito sa social media.

Sa kabila nito, ­inamin ng biktima kay Manata na may ka-chat siyang isang Chinese national pero matagal na umano iyon at hindi naman sila nagkikita.

Dito na nagpanting ang tenga ni Manata hanggang sa kinuha nito ang patalim na may 15-pulgada ang haba at pinagsasaksak sa dibdib si Haynar na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen nadakip ng mga rumespondeng pulis si Manata at nahaharap sa kasong pagpatay.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with