_ngayon
^
Trike at multicab nagsalpukan: 2 patay, 8 sugatan
Naisugod pa sa General Emilio Aguinaldo Hospital pero kapwa namatay habang ginagamot ang mga driver na sina Eugene Bagaan, 25-anyos, ng Phase 3B, Carissa Homes, Bagtas, Tanza, Cavite at Jalal Abdul Sarif, 35, may-asawa, ng Brgy Cabuco, Trece Martirez City, Cavite.

Trike at multicab nagsalpukan: 2 patay, 8 sugatan

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Kapwa patay ang driver ng isang tricycle at multicab nang magsalpukan habang walo sa kanilang mga pasahero ang nasugatan habang bumabagtas sa national highway ng Trece Martires City, kamakalawa ng hapon.

Naisugod pa sa General Emilio Aguinaldo Hospital pero kapwa namatay habang ginagamot ang mga driver na sina Eugene Bagaan, 25-anyos, ng Phase 3B, Carissa Homes, Bagtas, Tanza, Cavite at Jalal Abdul Sarif, 35, may-asawa, ng Brgy Cabuco, Trece Martirez City, Cavite.

Inoobserbahan naman sa nasabi ring ospital ang mga biktimang sina Emelda Lacanaria, 35, pasahero ni Bagaan at ang mga sakay ni Sarif na sina Pinda Simangan, 35; Beisan Ampatua, 36; Salahodil Sadic, 24; Nojidaya Tare, 26; Norsina Sarif, 28; Noridin Abdul, 58 at Abdul Mojaimen Sarif, 33, pawang taga-Sunshine Ville, Cabuco, Trece Martires City dahil sa mga tinamong sugat sa katawan. 

Sa ulat ni P/Staff Sgt. Rene Bibon, dakong alas-3:00 ng hapon nang maganap ang aksidente habang binabagtas ng dalawang sasakyan ang kahabaan ng Trece-Tanza Road. Minamaneho ni Bagaan ang tricycle sakay si Lacanaria habang si Abdul Sarif sa isang kulay maroon na multicab (LNC 106) at may pitong pasahero.

Si Bagaan ay galing ng Tanza patungo sa Trece Martires at okupado ang inner lane ng kalsada habang nasa opposite lane si Abdul Sarif. Gayunman, pagsapit sa tapat ng Jade Ann Welding Shop ay aksidenteng nasagi ng kanang bahagi ng multicab ang tricycle dahilan upang mahila at masakop ang kabilang linya ng kalsada at nagulungan pa ang kanilang tricycle.

Dahil sa lakas ng salpukan, tumalsik ang mga pasahero at nagtamo ng matinding pinsala ang dalawang driver na kanilang ikinasawi.

AKSIDENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with