_ngayon
^
Titser at mister todas sa ambush
Sa report ng Sagay Police, agad binawian ng buhay ang mag-asawa na kinilalang sina Melanie Desamparado at mister na si Emerlito, 37, dahil sa tama ng punglo sa katawan at ulo.

Titser at mister todas sa ambush

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang guro at mister nito nang tambangan ng ‘di kilalang mga salarin sa Purok Dos, Barangay Molacaboc, Sagay City, Negros Occidental, iniulat ng pulisya kahapon.

Sa report ng Sagay Police, agad binawian ng buhay ang mag-asawa na kinilalang sina Melanie Desamparado at mister na si Emerlito, 37, dahil sa tama ng punglo sa katawan at ulo.

Ayon kay kay Lt. Col Albert Sy, hepe ng Sagay City Police Station, sinundo ni Emerlito ang asawa nito sa pantalan matapos na manggaling mula sa trabaho sa paaralan nang abangan at barilin ng mga suspek si Emerlito sa likurang bahagi ng kanyang ulo.

Lumalabas na nakayakap pa umano kay Emerlito ang misis niyang si Melanie nang barilin din ng mga salarin at tamaan sa kaliwang bahagi ng kanyang tiyan.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon sa insidente at mayroong tatlong “persons of interest” ang pulisya na ipasasailalim sa paraffin test.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with