_ngayon
^
2 dedo, 4 grabe sa karambola ng 3 sasakyan
Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan sanhi ng kanilang kamatayan ang mga biktimang sina Ryan Merogania, 32, ng Brgy. Sto. Nino Lopez, Quezon at Arnel Auraus, 44 ng Brgy. Mambaling Calauag, Quezon.

2 dedo, 4 grabe sa karambola ng 3 sasakyan

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

CALAUAG, Quezon, Philippines — Dalawa katao ang kumpirmadong patay habang apat na iba pa ang malubhang nasugatan makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Maharlika Highway, Sitio Hugos, Barangay Sta. Maria ng bayang ito, kamakalawa ng madaling araw.

Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan sanhi ng kanilang kamatayan ang mga biktimang sina Ryan Merogania, 32, ng Brgy. Sto. Nino Lopez, Quezon at Arnel Auraus, 44 ng Brgy. Mambaling Calauag, Quezon.

Ginagamot naman sa St. Peter General Hospital dahil sa tinamong mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan sina Cpl. Romel Gabino, 32, miyembro ng Philippine Army na nakatalaga sa 201st Brigade sa Calauag, ­Quezon; Erwin Osabal ng Placer, Masbate; Sarah Coroner, 27 at Emma Merogenia, 54, ng Lopez, Quezon.

Sa ulat, alas-2:30 ng madaling araw ay bi­nabagtas ng tricycle ni Merogenia ang kahabaan ng Maharlika highway at sakay ang kanyang inang si Emma nang pagsapit sa pakurbadang bahagi ng kalye ay nabangga ito ng kasalubong na Nissan Urban van ni Osabel.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang trike at bumangga rin sa paparating na Isuzu jitney na minamaneho ni Cpl. Gabino.

Dahil dito, dead-on-arrival sa ospital ang driver ng tricycle at ang sakay ng jeep na si Auraus habang nasa kustodya na ng lokal na pulisya ang tsuper ng van.

AKSIDENTE PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with