_ngayon
^

Cavite buy-bust: Ex-konsehal ng Lanao del Sur, 3 tauhan huli sa P1.2 milyong shabu

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Nadakma ang dating konsehal sa isang bayan sa Lanao Del Sur kasama ang tatlo pa nitong tauhan matapos mahulihan ng nasa P1.2 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa Brgy. Burol Main, Dasmarinas City.

Kinilala ang mga suspek na sina Haifa Hadjiasis, 50-anyos, ex-municipal councilor ng Lanao del Sur; Mila Ampuam Sultan, 50 anyos; Esmael Dimasar, 18 at Jabar Macalanggan, 27, pawang residente ng Corner Village, Brgy. Burol Main, Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat sa tanggapan ni Cavite Provincial Police Office (PPO) director P/Col. Marlon Santos, alas-9:30 ng gabi nang ­ilatag ng pinagsanib na puwersa ng Drug Enforcement Unit ng Cavite PPO,  Dasmariñas City Police at PDEA ang buy-bust laban sa naturang da­ting konsehal. Duma­ting sa pinag-usapang lugar ang mga suspek sakay ng puting Toyota Hi-ace, na may conduction sticker na SO4137, at dito na sinimulan ang transaksyon. Nang magpositibo ang bilihan, dito na pinaligiran ng grupo ang mga suspek at inaresto.

Nakuha kay ex-councilor ang may 10 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng 100 gramo. Nang kapkapan at siyasatin pa ng pulisya ang mga suspek, nakuhanan pa sila ng may 6-plastic sachet ng shabu na nakalagay sa asul na pouch, at isang digital weighing scale. Nasamsam din umano kina Dimasar at Macalanggan ang tig-isang plastic sachet ng shabu saka kinumpiska ang nasabing saksakyan na ginagamit diumano sa pagta-transport ng illegal na droga.

Sa kabuuan, aabot sa mahigit kumulang sa 120 gramo ng shabu na nagkakahalaga sa P1.2 milyon.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with