^

Probinsiya

Naghamon ng barilan, ‘wanted’ utas sa parak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

BACACAY, Albay, Philippines — Bulagta ang isang “wanted person” sa kasong pagpatay matapos na maghamon ng barilan sa mga pulis na aaresto sana sa kanya sa Purok-3, Brgy. Bongga ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Napuruhan ng ­punglo at idineklarang dead-on-arrival ng sumuring doktor sa Bacacay Rural Health Unit ang target sa operasyon na si Roger Balderama Basaysay, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-6:25 ng umaga bitbit ang warrant of arrest sa kasong murder na inilabas ni Judge Alexander Lomibao ng Tabaco City RTC Branch 17, sinalakay ng mga operatiba mula sa Regional Special Operation Unit ng Police Regional Office 5, Provincial Intelligence Unit at Bacacay Municipal Police Station ang bahay ni Balderama.

Gayunman, sa halip na sumuko habang inihahain ang warrant of arrest ay bumunot umano ng baril ang suspek at hinamon pa ng barilan ang mga pulis kasabay ng kanyang pagpapaputok. Dito, mabilis na pinaputukan ng mga pulis ang murder suspect hanggang sa masapol ng mga punglo na kanyang agarang ikinasawi.

Narekober mula sa napatay na suspek ang isang kalibre 45 baril at mga bala.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with