_ngayon
^
Diarrhea outbreak: 5 patay, higit 200 naospital
“As of last night, may 212 cases. Five ang patay. Isa sa mga nasawi ay isang three years old,” pahayag ni Monkayo Mayor Ramil Gentugaya sa isang radio interview.
STAR/File

Diarrhea outbreak: 5 patay, higit 200 naospital

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lima katao ang iniulat na nasawi habang higit 200 pa ang naratay sa ­diarrhea outbreak sa ba­yan ng Monkayo, Davao de Oro, ayon sa ulat kahapon.

“As of last night, may 212 cases. Five ang patay. Isa sa mga nasawi ay isang three years old,” pahayag ni Monkayo Mayor Ramil Gentugaya sa isang radio interview.

Ayon kay Joseph ­Anthony Crizaldo, municipal information officer, kabilang sa mga nasawi ay nagkakaedad, 41, 78, 88, at ang panghuli ay isang 3-anyos na bata.

 Nasa kabuuan namang 212 katao ang naratay at dumanas ng pagtatae sa liblib na lugar sa Brgy. Pasian ng nasabi ring bayan.

Dahil dito ay isinailalim na ang Brgy. Pasian sa “state of calamity”.

Sinabi ni Crizaldo na ilan sa mga kaso ay iniulat nitong Biyernes matapos na dumanas ng pagsusuka at grabeng pagdudumi ang mga biktima.

 Nabatid na ang mga residente ay umiinom galing sa “water reservoir” sa kanilang lugar na siyang pinagkukunan ng supply ng  tubig kung saan ang sample na nakolekta mula dito ay nagpositibo sa coliform.

Namahagi na ang lokal na pamahalaan ng malinis na tubig na nasa jerry cans at tanks. Samantalang ang Red Cross naman ay namahagi na rin ng tulong sa mga residenteng nagkasakit.

DIARRHEA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with