_ngayon
^
Videoke bar niratrat: 3 todas, 6 pa sugatan
Kinilala ang mga nasawi na sina Jay-ar Diaz, 22-anyos; Bonbon Diaz, 27-anyos at ang isang 17-anyos na si Jimmy Manimbula habang nilalapatan ng lunas sa ospital sina Aljun Mokudef, Alvin Ampang, Jaymark Mukudef, Christopher Sayas, Ariel Diaz at Michelle Victoriano na isang buntis.

Videoke bar niratrat: 3 todas, 6 pa sugatan

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 20, 2021 - 12:00am

MAGUINDANAO, Philippines — Tatlo kustomer ang nasawi kabilang ang isang binatilyo habang anim pa ang sugatan kasama ang isang buntis matapos silang paulanan ng bala ng mga ‘di pa nakilalang suspek habang nagkakasiyahan sa isang videoke bar sa Brgy. Edcor, Buldon ng lalawigang ito noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jay-ar Diaz, 22-anyos; Bonbon Diaz, 27-anyos at ang isang 17-anyos na si Jimmy Manimbula habang nilalapatan ng lunas sa ospital sina Aljun Mokudef, Alvin Ampang, Jaymark Mukudef, Christopher Sayas, Ariel Diaz at Michelle Victoriano na isang buntis.

Sinasabing ang mga biktima ay residente ng Barangay Kuya, South Upi, Maguindanao at pansamantalang nakatira sa nabanggit na lugar.

Sa ulat mula kay Maguindanao Police Provincial Police Office director Col. Donald Madamba, habang nagkakasiyahan at nagkakantahan sa Video-K-han ang mga biktima nang biglang dumating ang mga suspek at walang kaabog-abog silang pinagbabaril, pa­sado alas-8:00 ng gabi.

Agad namang kinondena ni Buldon Mayor Abolais Manalao ang madugong insidente sa kanyang bayan at inatasan ang mga pulis na magsagawa ng malalimang pagsisiyasat para alamin ang motibo at responsable sa krimen.

Isa ang alitan sa pamilya sa mga sinisilip na anggulo sa nasabing krimen habang hindi naman isinasantabi ang iba pang motibo.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with