_ngayon
^

Misis pinatay ng umbagerong mister

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 41-anyos na ginang makaraang patayin ito sa saksak ng sarili niyang mister sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Tipolo, Mandaue City, Cebu nitong Biyernes ng gabi.

Dead-on-the-spot sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Hazel Haynar Manata habang nahaharap sa kasong parricide ang kanyang mister na Jun, 51-anyos.

Sa ulat ng Mandaue City Police, maghahatinggabi nitong Biyernes nang marinig ng mga kapitbahay ang pagtatalo ng mag-asawa at kasunod nito ay malalakas na kalabugan.

Dahil pangkaraniwan na sa mga kapitbahay ang awayan ng mag-asawa, hindi na sila nanghimasok. Gayunman, bunsod ng malakas na hiyaw ng nasabing babae at kalabugan sa kanilang tahanan, isa sa kanilang mga kapitbahay ang tumawag na sa himpilan ng pulisya at inireport ang insidente.

Nang dumating ang mga pulis, bumulaga sa kanila ang nakahandusay na misis na tadtad ng saksak at naaresto ang kanyang mister.

Narekober sa crime scene ang isang 15 pulgadang kutsilyo na ginamit sa pagpatay sa ginang.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with