_ngayon
^
4 utas sa ambush sa Zamboanga City
Sa ulat, dakong alas-6:40 ng gabi nang tambangan ang mga biktima sa isang liblib na lugar ng Brgy. Tugbungan habang sila ay sakay ng kulay asul na Honda Click (842-JEH).
STAR/File

4 utas sa ambush sa Zamboanga City

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - June 19, 2021 - 12:00am

MAGUINDANAO, Philippines — Apat katao ang bumulagta kabilang na ang isang 5-anyos na batang babae matapos pagbabarilin ang sinasakyan nilang motorsiklo ng apat na ‘di pa nakilalang suspek sa Barangay Tugbu­ngan, Zamboanga City kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Alih Ibno, Fatima Raddaie, kapatid nitong si Rana Raddaie at ang paslit na si Aliyanna Ibno na taga-Villa Teres, Mampang, Zamboanga City.

Sa ulat, dakong alas-6:40 ng gabi nang tambangan ang mga biktima sa isang liblib na lugar ng Brgy. Tugbungan habang sila ay sakay ng kulay asul na Honda Click (842-JEH).

Nabatid na walang habas na pinagbabaril ng mga salarin ang mga biktima. May indikasyon din na isa sa mga biktima ang binaril sa ulo nang malapitan ng mga suspek.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang 16 na basyo ng 9mm kalibreng baril, anim na basyo ng M16 at maging ang tingga ng mga ito.

Sa inisyal na pahayag ng Zamboanga City Police Office, ang mga salarin ay agad na tumakas sakay ng dalawang motorsiklo at sinisilip ang anggulong may kinalaman sa away sa lupa ang motibo sa krimen. - Doris Franche

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with