_ngayon
^

Probinsiya

P21 milyong marijuana winasak sa Kalinga

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
P21 milyong marijuana winasak sa Kalinga
Unang winasak ng mga awtoridad ang nasa 57,500 fully grown na malalaking puno ng marijuana at 65,000 na seedlings nito, na tinatayang nagkakahalaga ng P14,100,000.00, sa Barangay Butbut Proper.
The STAR/Artemio Dumlao

Nadiskubre sa 11 plantasyon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Muling nakapuntos ang mga awtoridad matapos nilang madiskubre ang nasa P21.9 milyon na halaga ng marijuana sa 11 plantasyon saka sinunog ang mga ito sa Tinglayan, Kalinga, ayon sa ulat ng awtoridad kahapon.

Ang mga plantasyon ng marijuana ay nadiskubre umano ng pinagsa­nib na pwersa ng Kalinga Provincial Police Office, Regional Intelligence Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa tatlong araw nilang tuluy-tuloy na ope­rasyon nitong Hunyo 15-17.

Unang winasak ng mga awtoridad ang nasa 57,500 fully grown na malalaking puno ng marijuana at 65,000 na seedlings nito, na tinatayang nagkakahalaga ng P14,100,000.00, sa Barangay Butbut Proper.

Nasa 34,000 fully grown marijuana o tinatayang P6,800,000.00 naman ang sinira ng mga awtoridad sa Barangay Loccong sa nasabi ring bayan habang umabot sa 5,000 fully grown marijuana na nasa P1 milyon ang sinira sa Barangay Buscalan.

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with