_ngayon
^

2 Nigerian, 4 pa natimbog ng PDEA

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang Nigerian­ national at apat na kasamahang Pinoy ang arestado matapos ang isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Mabalacat, Pampanga, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga na­aresto na sina Kingsly Anaelechi, 37, Nelson Okafor Jr., 25; kapwa Nigerian nationals; at mga Pinoy na sina April Wright, 25; Eric Desuyo, 29; Norwin Carpio, 20; at Ralph Joseph, 25; pawang residente ng Mabalacat, Pampanga.

Ayon kay PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva, alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust ang mga ahente ng PDEA-Pampanga sa San Juan St. Villa Teodora, Brgy. Dau, Mabalacat, Pampanga.

Inaresto ng mga ope­ratiba ang mga suspek nang maaktuhang nasa loob ng drug den nang isinagawa ang buy-bust.

Narekober sa mga suspek ang 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000.00;  30 gramo ng dried marijuana na nasa P3,600 ang halaga at 2-gramo ng high grade marijuana o kush na nagkakahalaga ng P2,000 at mga drug paraphernalia.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with