_ngayon
^

Probinsiya

7 patay sa COVID-19 sa Bataan

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

BALANGA, Bataan, Philippines — Pitong pasyente ang namatay dahil sa COVID-19 habang uma­bot na sa 1,278 ang bilang ng aktibong kaso ng nasabing sakit sa lalawigang ito, ayon sa huling ulat ng Provincial Health Office kahapon.

Sa kasalukuyan, nasa 10,017 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo matapos madagdagan ng 93 ang mga bagong kumpirmadong kaso samantalang nasa 131 ang mga bagong gumaling para sa kabuuang bilang na 8,413.

Umabot naman sa 326 ang mga pumanaw kung saan ito ang nai­dagdag sa listahan, tatlo rito ay mula sa Mari­veles, dalawa sa Limay, isa sa Abucay at isa sa Orion.

Mula noong ika-31 ng Enero 2020 hanggang sa kasalukuyan, nasa 70,171 na ang sumailalim ng COVID-19 test sa lalawigan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with