^

Probinsiya

2-anyos dedo sa salpok ng tricycle

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
2-anyos dedo sa salpok ng tricycle
Kusang loob na sumuko sa otoridad ang tricycle driver na si Jonathan Dagdag Juan, 43, residente rin ng nasabing barangay matapos na masalpok ng kanyang minama­nehong tricycle ang bata sa kalsada.
STAR/File

BURGOS, Ilocos Sur, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 2-anyos na bata matapos na masalpok ng tricycle sa Brgy. Ma­naboc, kamakalawa ng hapon sa bayang ito.

Kusang loob na sumuko sa otoridad ang tricycle driver na si Jonathan Dagdag Juan, 43, residente rin ng nasabing barangay matapos na masalpok ng kanyang minama­nehong tricycle ang bata sa kalsada.

Sa salaysay ni Juan, na minamaneho niya ang kanyang tricycle at binabaybay niya ang South bound nang bigla umanong tumawid sa kalsada ang bata na hindi na niyang maiwasan kaya nasalpok niya ito.

Unang isinugod ang bata ng kanyang ama sa Reyes Hospital,Sta. Maria, Ilocos Sur ngunit pinayuhan na ilipat sa Ilocos Sur District Hospital (ISDH) sa Narvacan, na kung saan doon namatay ang bata dahil sa grabeng tama sa ulo at katawan.

Nasa kustodiya ng ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong criminal.

vuukle comment

PATAY

TRICYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with