_ngayon
^
Localized lockdown sa Olongapo City ipatutupad
Ayon kay Mayor Rolen Paulino Jr., ang naturang hakbang ay makakatulong umano upang mapigilan ang mabilis na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa mga matutukoy na lugar o bahay na mayroong mabilis na hawaan ng nakamamatay na virus.
The STAR/Miguel de Guzman

Localized lockdown sa Olongapo City ipatutupad

Jojo Perez (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2021 - 12:00am

Border checkpoints hihigpitan

MANILA, Philippines — Muling ikinokonsidera ng Olongapo City Local Inter-agency Task Force on COVID-19 ang posibleng pagpapatupad ng granular o localized lockdown at paghihigpit sa mga checkpoints upang mapigilan ang pagdami ng tinatamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Ayon kay Mayor Rolen Paulino Jr., ang naturang hakbang ay makakatulong umano upang mapigilan ang mabilis na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa mga matutukoy na lugar o bahay na mayroong mabilis na hawaan ng nakamamatay na virus.

Magiging madali rin umano sa mga local health authorities ang pagsasagawa ng contract tracing at kaagad na mabibigyan ng impormasyon ang publiko na huwag na lumabas ng kanilang mga bahay sakaling may mga nagpositibo sa COVID-19 sa isang partikular na lugar.

Sinabi ni Paulino na nakikipag-ugnayan na sila sa Olongapo City Police kaugnay sa paghihigpit na ilalatag sa mga border checkpoints sa lungsod upang matiyak na masusunod ang umiiral na health and safety standards.

“Ginawa na natin ‘yan noon sa partikular na lugar, puwede i-lockdown ang isang kalsada o iskinita para hindi nga makapanghawa pa ng virus,” pahayag naman ni Public Affairs Office head Anthony Bayarong.

Sa kasalukuyan, nasa 285 ang aktibong kaso ng lungsod habang nasa 2,299 ang kumpirmadong kaso at nasa 119 naman ang nasawi sa COVID-19 base sa pinakahuling ulat kahapon.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with