_ngayon
^

Trike driver pisak sa truck, misis sugatan

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2021 - 12:00am

TIAONG, QUEZON, Philippines — Namatay noon din ang isang tricycle driver nang mapisak ang kanyang ulo habang malubhang nasugatan ang kanyang pasaherong misis maka­raan silang banggain ng pickup truck sa Maharlika Highway, Barangay Lagalag ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Dennis De Leon, chief of police dito, nakilala ang biktima na si Policarpio Bigyan, 64, may asawa ng Barangay Talisay, Tiaong habang ginagamot sa Liwag Dis­trict Hospital dahil sa mga sugat sa ulo at katawan ang kanyang miss na si Fidela Monet, 49.

Sa imbestigasyon, alas-6:15 ng umaga habang papunta sa kabaya­nan ang tricycle ni Bigyan nang banggain ito sa hu­lihan ng sumusunod na Toyota Hilux pickup na mi­namaneho ni Keith Denver Biscocho, 23, may asawa ng Sariaya, Quezon.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga,  tumila­pon ang tricycle sa tindahan sa gilid ng kalye na pagmamay-ari ni Marietta Sarmiento. Naipit ang ulo at katawan ni Bigyan sanhi ng kanyang dag­liang kamatayan.

Nasa kustodya na ng pulisya ang driver ng pickup at nahaharap sa mga kaukulang kaso.

DENNIS DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with