_ngayon
^

6 huli sa P.4 milyong shabu sa Angeles

Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2021 - 12:00am

ANGELES CITY, Pampanga, Philippines — Swak sa kulungan ang anim katao matapos magsagawa ng magkahiwalay na drug buy-bust operation ang pulisya, sa Molave St. Purok 5, Brgy. Malabanias at Brgy. Pulung Bulu martes ng hapon at gabi.

Sa ulat buhat sa tang­gapan ni Angeles City Drug Enforcement Unit commander P/Major Aris Gonzales kinilala ang mga suspek na sina Reynaldo Agsangre alias “Hawkins”, 56-anyos na target ng pulisya at residente ng Villa Paz Brgy. Sta. Teresita; Danny Say, 22, construction worker, ng Brgy. Sta. Teresita, Angeles City; Maria Teresita Pascual, 40, na nasa drug watchlist at residente ng Brgy. Sta. Teresita, Angeles City; Mariz Quinto, 26, ng Roxas Street, Dau, Mabalacat City; Arnold Guibo alias “Soy”, 30, isang value individual ng pulisya, walang trabaho at B-Jay Balajadia, 32; pawang taga-Villa Paz, Brgy. Sta. Teresita Angeles City.

Nasamsam sa mga suspek ang nasa humigit kumulang sa 70 gramo ng hi­ni­­hinalang shabu na may street value na P476.000 at buy-bust money.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng na­sa­bing mga suspek.

 

MALABANIAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with