_ngayon
^
2 pulis na bantay sa farm itinumba
Nakilala ang mga nasawi na sina Executive Master Sergeant Sherwin Roy Cajutol at Corporal Koki Libot, na ginawang taga-bantay ng farm ni Colonel Canilo Fuentes, sa Sitio Tagulaje, Barangay Antongalon, Butuan City.
STAR/ File

2 pulis na bantay sa farm itinumba

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2021 - 12:00am

BUTUAN CITY , Philippines — Patay ang dalawang pulis nang salakayin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang binabantayang farm ng mga manok na panabong ng director ng Butuan City Police Office nitong Martes ng umaga.

Nakilala ang mga nasawi na sina Executive Master Sergeant Sherwin Roy Cajutol at  Corporal Koki Libot, na ginawang taga-bantay ng farm ni Colonel Canilo Fuentes, sa Sitio Tagulaje, Barangay Antongalon, Butuan City.

Nabatid na nasa 20 NPA ang lumusob sa farm. Hindi nagawang manlaban ng dalawang pulis dahil abala sila sa paggapas ng mga damo at walang bitbit na armas.

Nawawala naman ang isa pang kasamahang pulis ng mga biktima.

Ang mga rebelde ay mabilis na tumakas matapos mapatay ang dalawang pulis, habang hindi naman sinaktan ng mga ito ang mga sibilyan sa farm.

Iniimbestigahan ngayon ng Police Regional Office 13 si Col. Fuentes kung bakit nasa farm nito ang mga pulis na dapat ay nasa himpilan ng pulisya.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with