_ngayon
^
Rizal ambush: 2 patay sa tandem
Ang mga biktima ay nakilalang sina Ro­bert Cortez, 44, tubong Masbate at Eric Ada­mero, 43, tubong Samar at kapwa residente ng George Town Subdivision, Sitio Balante, Brgy. San Jose, Morong, Rizal.
STAR/ File

Rizal ambush: 2 patay sa tandem

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang obrero nang tambangan at pagbabarilin ng dalawang ‘di kilalang lalaki habang magkaangkas sa isang motorsiklo sa Morong, Rizal kamaka­lawa ng umaga.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Ro­bert Cortez, 44, tubong Masbate at Eric Ada­mero, 43, tubong Samar at kapwa residente ng George Town Subdivision, Sitio Balante, Brgy. San Jose, Morong, Rizal.

Sina Cortez at Ada­mero ay agad binawian ng buhay dahil sa mga tama ng bala ng ‘di pa batid na kalibre ng baril, sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan habang mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang krimen.

Batay sa paunang report ng Morong Municipal Police, alas-7:30 ng umaga, magkaangkas ang mga biktima sa isang motorsiklo patungo sanang town proper ng Morong nang pagsapit inyersection ng Garrovillas St., Brgy. San Jose ay bigla na lang silang tinambangan at pinaulanan ng bala ng mga salarin.

Nang matiyak na napuruhanan ang mga biktima,  mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa direksiyon ng Brgy. San Juan. 

RIZAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with