_ngayon
^

1 pang mayor positibo sa COVID-19

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2021 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Inanunsiyo nitong Lunes ni Magpet Ma­yor Florenito Gonzaga na siya ay positibo sa COVID-19 at patuloy na nagpapagaling sa ospital.

Ang anunsiyo ay ini­labas sa pamamagitan ng Facebook page ng bayan ng Magpet.

Nabatid na noong nakaraang linggo pa umano isinugod sa isang ospital ang alkalde matapos sumama ang kanyang pakiramdam at noong weekend lamang lumabas ang resulta ng kanyang RT-PCR test na positibo sa virus.

Sa pinakahuling ulat, nasa maayos na umanong kondisyon ang alkalde.

Nabatid na limang mayor na ng probinsiya ang kinapitan ng virus at pinakahuli dito si Gonzaga. Maging ang bise alkalde nito at ilang mga konsehal sa bayan ay nagpositibo rin sa nasabing sakit.

COVID19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with