_ngayon
^

Probinsiya

COVID-19 patient na suspek tinukoy, kinasuhan ng ‘Rape’ sa isolation facility pinaiimbestigahan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 patient na suspek tinukoy, kinasuhan ng âRapeâ sa isolation facility pinaiimbestigahan
Sa panayam kay Mayor Rosal, naisampa na ang kaso sa City Prosecutor’s Office laban sa tinukoy na suspek na si Noel Bigtas Agripa, 45-anyos, may-asawa, kawani ng City Engineering’s Office, at residente ng Brgy. Puro, Legazpi City.
Release / Department of Public Works and Highways

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni Legazpi City Mayor Noel Rosal ang posibleng kapabayaan sa kaso ng panggagahasa ng isang COVID-19 patient sa isang ginang na COVID survivor sa loob mismo ng isolation facility sa Brgy. Bitano ng nasabing lungsod noong Huwebes ng madaling araw.

Sa panayam kay Mayor Rosal, naisampa na ang kaso sa City Prosecutor’s Office laban sa tinukoy na suspek na si Noel Bigtas Agripa, 45-anyos, may-asawa, kawani ng City Engineering’s Office, at residente ng Brgy. Puro, Legazpi City.

Si Agripa ay nakakulong na sa isang isolation facility samantalang naisumite na rin ang medico legal ng 25-anyos na biktima sa piskalya.

Sinabi ni Rosal na masusi na niyang pinasisiyasat ang nangyaring insidente dahil malinaw na may naging paglabag umano sa ipinatutupad na protocol sa ICR COVID-19 Facility.

Nilinaw ng alkalde na may guwardya ang pasilidad maliban pa sa mga pulis kaya nakapagtataka kung bakit nakalusot ang alak, dahilan para mag-inuman ang ilang COVID-19 patient na nagresulta sa panggagahasa ng suspek na nasa impluwensya umano ng alak sa biktima habang umiihi ang huli sa loob ng comfort room.

Nakatambay umano sa labas ng kanyang isolation cubicle ang nasabing misis habang hinihintay ang kanyang sundo para makalabas makaraang gumaling sa pandemyang sakit.

COVID-19 RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with