_ngayon
^

8 ‘wanted’ na Abu Sayyaf nalambat

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2021 - 12:00am

MAGUINDANAO, Philippines — Walong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa isinagawang pagsalakay sa Barangay Busbus, Jolo, Sulu, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Sansibar Bensio, 38; Muayar Binda, 32; Alim Ahir Sukarno, 26; Lugah Samsula, 37; Bunjiar Samsula, 35; Sanchez Amang, 58; Ferdaus Omar, 19, at isang 18-anyos na si Ramli Murhin na ngayon ay nakakulong sa detention facility ng Sulu Provincial Police Office.

Ang mga dinakip ay nahaharap sa maraming kaso tulad ng multiple murder, multiple frustra­ted murder at kidnapping sa iba’t ibang lokal na sangay ng korte.

Sa ulat na nakara­ting kay Brig. Gen. Eden Ugale, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region na naaresto ang mga suspek matapos na salakayin ng mga tauhan ng Sulu Provincial Police at mga sundalo ng Joint Task Force Sulu ang pinagtataguan ng mga suspek para isilbi ang warrant laban sa kanila.

ABU SAYYAF GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with