_ngayon
^
2 sasakyan inararo ng SUV: Driver dedo, 3 pa sugatan
Ginagamot naman sa United Candelaria Hospital dahil sa tinamong mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan sina Joel Reformado, 43; asawang si Vanessa, 41 at ang nagtitimon sa kariton ng kalabaw na si Ariel San Diego ng Barangay Bu­ngoy, Dolores, Quezon.

2 sasakyan inararo ng SUV: Driver dedo, 3 pa sugatan

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2021 - 12:00am

TIAONG, Quezon, Philippines — Patay ang isang tricycle driver habang nasugatan ang tatlong iba pang katao matapos na araruhin ng isang SUV ang dalawang tricycle at kariton sa Maharlika Highway na sakop ng Barangay Lalig sa bayang ito, ka­makalawa ng umaga.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Dennis Del Leon, kinilala ang nasawing biktima na si Reynante Morillo, 41, ng Barangay Lumingon, Tianong.

Ginagamot naman sa United Candelaria Hospital dahil sa tinamong mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan sina Joel Reformado, 43; asawang si Vanessa, 41 at ang nagtitimon sa kariton ng kalabaw na si Ariel San Diego ng Barangay Bu­ngoy, Dolores, Quezon.

Ayon sa ulat, bandang alas-9:50 ng umaga habang minamaneho ni Roderick

Corre, 34, ng Candelaria, Quezon ang isang Nissan Navarra nang pumutok ang kaliwang unahan ng gulong nito kung kaya’t nawalan ng direksyon ang pagtakbo at inararo ang mga kasalubong na tricycle nina Morillo at Reformado, at ang kariton na nasa gilid lamang ng kalsada.

Mabilis na isinugod sa ospital ang mga biktima subalit nalagutan ng hininga kinalaunan si Morillo.

Sinampahan ng kasong “reckless imprudence resulting in homicide and physical injuries and da­mages to properties” ang tsuper ng SUV.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with