^

Probinsiya

Bagong police station sa Nueva Ecija pinasinayaan

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines — May bago at modernong tahanan na ang pulisya sa bayan ng Bongabon sa lalawigang ito matapos pasinayaan ang 3-palapag na gusali nito sa may Barangay Palo Maria.

Naging tagapagsalita at panauhing pandangal sa okasyon si Police Brig. Gen. Valeriano de Leon, regional director ng Police Regional Office (PRO)-3, na nagsabing isang huwaran ang Bongabon Local Government Unit (LGU) sa ilalim ni Mayor Allan Xystus Gamilla dahil sa mabuting ugnayan nito sa hanay ng pulisya upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.

Binasbasan ni Rev. Fr. Nezelle Lirio ang modernong pasilidad ng pulisya na sinaksihan din nina Bongabon Mayor Gamilla, P/Col. Jaime Santos, Nueva Ecija Police provincial director at P/Major Steven Dela Cruz, hepe ng Bongabon PNP .

Samantala, nagpasalamat si Gamilla sa mga pulis sa pagtupad sa kanilang tungkulin sa lahat ng oras. Bukas aniya siya sa pakikipagtulungan sa PNP upang patuloy na pagserbisyuhan ang kanyang mga kababayan.

Sinabi naman ni PD Santos na bagama’t mahirap ay hindi sila titigil upang ipatupad ang batas at pangalagaan ang mga karapatan ng bawat mamamayan maging sa panahon ng pandemya.

POLICE STATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with