_ngayon
^
2 âtulakâ tepok sa Nueva Ecija buy-bust
Kinilala ni P/Col. Jaime Santos, Nueva Ecija Police provincial director, ang dalawang nasawing drug suspects na sina Jasyon Ando, nasa hustong gulang ng Brgy. Mabini Homesite, Cabanatuan City; at Oliver Agapito, 46, ng Brgy. Pula, Talavera, Nueva Ecija.
STAR/File

2 ‘tulak’ tepok sa Nueva Ecija buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang lalaki na tulak umano ng ipinagbabawal na gamot makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa magkahiwalay na buy-bust operations nitong Sabado.

Kinilala ni P/Col. Jaime Santos, Nueva Ecija Police provincial director, ang dalawang nasawing drug suspects na sina Jasyon Ando, nasa hustong gulang ng Brgy. Mabini Homesite, Cabanatuan City; at Oliver Agapito, 46, ng Brgy. Pula, Talavera, Nueva Ecija.

Ayon kay P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, hepe ng Cabanatuan City Police, alas-5:45 ng ­umaga, nagsagawa sila ng buy-bust sa Purok 1, Brgy. Dalampang, dito, laban sa suspek na si Ando.

Imbes na sumuko matapos magpalitan ng droga at P500 marked money ay nanlaban umano ang nakahalatang suspek na humantong sa kanyang kamatayan.

Nakuha sa lugar ang baril ng suspek na caliber .45 pistol na walang plaka, isang pkastic sachet ng umano’y shabu at 3 basyo ng calber 9mm.

Nabatid naman kay P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng Talavera Police, alas-10:15 ng umaga ka­makalawa rin, nagsagawa sila ng buy-bust operation katuwang ang Provincial Intel Unit ng NEPPO sa Brgy. Pula, Talavera, NE, laban sa suspek na si Agapito.

Nanlaban umano si Agapito, na may alyas na “Oli”, kaya siya nabaril at napatay.

Nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang 3-plastic sachet ng shabu na may timbang na 15 gramo at nagkakahalaga ng P102,000; isang caliber .38 revolver at ilang basyo ng calber 9mm.

BUY BUST PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with