_ngayon
^
Trike tumaob: 9-anyos patay, 5 sugatan
Hindi na naisalba pa sa pagamutan ang batang biktima na nakilalang si Jazz Pontanes habang inoobserbahan sa pagamutan ang limang kaanak nito na sina Loida Pontanes, 43-anyos na nagmamaneho ng tricycle; Madel Epe, 22-anyos at tatlong bata, pawang residente sa Magallanes, Cavite.
STAR/File

Trike tumaob: 9-anyos patay, 5 sugatan

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

Habang papuntang family outing

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 9-anyos na batang babae habang lima pa na karamihan ay menor-de-edad ang sugatan makaraang tumaob ang sinasakyan nilang tricycle habang patungo sa isang family outing sa Araw ng Kalayaan, kamakalawa sa Brgy. Tua, Magallanes, ng lalawigang ito.

Hindi na naisalba pa sa pagamutan ang batang biktima na nakilalang si Jazz Pontanes  habang inoobserbahan sa pagamutan ang limang kaanak nito na sina Loida Pontanes, 43-anyos na nagmamaneho ng tricycle; Madel Epe,  22-anyos  at tatlong bata, pawang residente sa Magallanes, Cavite.

Sa ulat ni P/Staff Sgt. Armando Perez, alas-9:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Brgy. Tua ng nasabing bayan kung saan sakay ang mga biktima sa kulay asul na Honda Wave 100 (ZN 2484) na minamaneho ni Loida, ina ng nasawing paslit patungo sa isang family outing.

Nang nasa pababang kalsada na umano ang tricycle, hindi nito nakayanan ang pabulusok na daan dahilan na rin sa puno sila sa tricycle hanggang sa mawalan ito ng kontrol at tuluy-tuloy na bumulusok at tumaob ng may ilang beses.

Nagkaipit-ipit sa loob ang mga biktima habang ang iba ay tumilapon palabas ng tricycle.

Agad namang sinaklolohan ang mga biktima at naitakbo sa pagamutan subalit nagtamo my matinding pinsala si Jazz sa ulo at mukha na naging dahilan ng pagkamatay nito.

TRICYCLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with