_ngayon
^
Naghamon ng away, tigok sa suntok sa panga
Ayon kay P/Major Jaime Ferrer, hepe ng pulisya rito, na-comatose muna bago binawian ng buhay ang biktimang si Joseph Gabriel, 34, binata ng Brgy. Sta. Lucia Old sa Eduardo L. Joson Memorial Provincial Hospital sa Cabanatuan City.
STAR/File

Naghamon ng away, tigok sa suntok sa panga

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

ZARAGOZA, Nueva Ecija Ecija, Philippines — Nasawi ang isang 34-anyos na mister makaraang mabigyan ng isang malakas na suntok sa panga nito ng kapwa binatang kanyang hinamon umano ng away sa Barangay Sta. Lucia Old ng bayang ito, noong Sabado ng gabi.

Ayon kay P/Major Jaime Ferrer, hepe ng pulisya rito, na-comatose muna bago binawian ng buhay ang biktimang si Joseph Gabriel, 34, binata ng Brgy. Sta. Lucia Old sa Eduardo L. Joson Memorial Provincial Hospital sa Cabanatuan City.

Sumuko naman sa otoridad ang kasuntukan na si Jayson Villanueva, 26-anyos at ka-barangay rin ng biktima.

Ayon kay Ferrer, alas-7:15 ng Sabado ng gabi nang magtungo si Gabriel na sinamahan ng dalawang kaibigan nito na sina Dominador Ibay at Andy Tamundong, kapwa ng nasabi ring lugar sa harap ng bahay ni Villanueva.

Armado pa umano ang grupo ng biktima ng pala nang hamunin umano ng suntukan ni Gabriel si Villanueva upang magkaalaman na umano kung sino ang magaling sa kanilang dalawa.

Kumasa naman sa hamon si Villanueva at hinarap ang naghahamong si Gabriel. Hindi pa umano nagtatagal ang palitan ng suntok ang dalawa na ala tunay na boksing ay natigil ang away nang bumagsak sa lupa si Gabriel dahil sa malakas na suntok na tumama sa kanyang panga at ma-comatose noon din.

Agad na nagpasaklolo sina Ibay at Tamundong sa Rescue Team ng Zaragoza at dinala sa nasabing pagamutan ang biktima na idineklarang dead-on-arrival.

Nahaharap ang suspek sa kasong homicide.

PATAY SUNTOK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with