_ngayon
^

Miyembro ng ‘Concepcion Gang’ dedo sa shootout

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

OAS, Albay, Philippines — Bulagta ang isang kasapi ng pinangingilagang “Concepcion Criminal Gang” sa Bicol matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa inilatag na “gun buy-bust operation” sa Purok-2, Brgy. Camagong ng bayang ito ka­makalawa ng umaga.

Dead-on-arrival sa Josefina Belmonte Duran Memorial Hospital sa Ligao City makaraang mapuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na si Ricson “Tikboy” Mitra Sanchez, 39-anyos, may-asawa at residente ng Zone-1, Brgy. Linao, Libon.

Sa ulat, dakong alas-7 ng umaga nagkasundo ang suspek at pulis na poseur buyer na magkita at gawin ang bilihan ng baril sa naturang barangay.

Gayunman, imbes na ibigay ng suspek ang binibiling baril ng poseur buyer na pulis nang iabot ng huli ang boodle mo­ney, agad nitong ipinutok ang nasabing baril sa buyer na masuwerteng hindi tinamaan at nakapagtago sa damuhang bahagi.

Dito na lumabas sa pinagkukublihan ang mga operatiba mula sa Oas Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit at 1st Albay Provincial Mobile Force Company sa pangu­nguna ni Lt. Col. Rodel Pescuela at pinutukan ang suspek na duguang bumulagta.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre 38 Magnum revolver, dalawang kalibre .357 Magnum na baril, mga bala, isang sachet ng shabu at isang nakatuping bond paper na may nakasulat na mensahe mula sa kanilang lider na si Gilbert Concepcion.

PATAY SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with