_ngayon
^

Sayyaf sub-leader, 3 pa utas sa engkuwentro

Doris Franche, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat na miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) kabilang ang kanilang sub-leader ang patay matapos makaengkuwentro ng militar sa Jolo, Sulu kahapon ng madaling-araw.

Kinilala naman ni Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., commander ng Western Mindanao Command ang mga nasawi na sina ASG sub-leader Injam Yadah, Al-Al Sawadjaan, ang nakababatang kapatid ng isa sa mga kilalang notoryus na bomb expert na si Mundi Sawadjaan, at isang alyas “Raup” habang isa pa ang hindi pa nakikilala.

Ayon kay Joint Task Force Sulu at 11th Infantry Division commander Maj. Gen. William Gonzales, ang engkuwentro sa pagitan ng ASG at pinagsanib na puwersa ng Joint Task Force-Sulu at PNP habang isinisilbi ang warrant of arrest laban kay Yadah, dakong alas-2 ng madaling araw.

Ayon kay Gonzales, unang nagpaputok ang mga miyembro ng ASG nang pasukin ng raiding team ang bahay ng ASG sub-leader sa Brgy. Alat, kaya’t napilitan silang gumanti rin ng putok.

Dead-on-the-spot sina Yadah, Raup at Sawadjaan habang narekober ng pulisya at militar ang M653 carbine rifle, isang kalibre 45 na baril, mga improvised explosive device components, at 15 mobile phones.

Nabatid na si Yadah ay sangkot sa pagdukot sa mga dayuhan at mga lokal na turista sa lugar kabilang na rito ang da­ting asawa at anak ni da­ting Talipao Mayor Tambrin Tulawie noong 2018. Siya rin ang kumidnap umano kay Rex Triplett sa Sirawai, Zamboanga Sibugay at Dr. Moreno sa Jolo noong 2020 at maraming iba pa.

Si Sawadjaan, ang nakababatang kapatid ni Mundi Sawadjaan na itinuturong utak sa nangyaring kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng 14 katao.

ABU SAYYAF GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with